-0-
Ngayun eh, isa isahin natin ang mga sinabi ni BlogThings...
First and foremost, gusto kong liwanagin na hindi ko binayaran si BlogThings para sabihin niyang ako ay isang TOTAL PACKAGE. Ehem ehem..Magaling lang talaga siyang maghula, o kung nakita man niya ako sa personal eh iisipin kong malinaw pa ang kanyang paningin at mataas pa rin ang kanyang taste. Four "S", suave, sexy, smart, strong..that's Sherwin! hahaha
I got the WHOLE WORLD UNDER MY SPELL daw, syet parang pasan ko ang daigdig! Ay mali pala, parang ganito yan, kaya kong paikutin ang mundo sa aking mga palad. Jusko, ano kayang mundo yun? hindi kaya KULANGOT lang yun? AT maimpluensiya daw ako? Of course, i am a bad influence!
I Like to CRUSH THE WEAK. Totoo yan, user ako, opportunista minsan. Pag alam kong mahal mo ako at hindi mo ako kayang pakawalan, lalo akong nagiging spoiled at nagsasamantala. Bad. Mahilig din akong manlait. Sori sa lahat ng na okray ko. Kasalanan ko bang natutulog kayo sa pancitan ng magsabog ang Diyos ng biyaya mula sa langit. Mag ingat din na ako ay makasalubong, baka mapagsabihan kitang "Get out of the way, you lower species of life forms!". Hahaha
I am ORIGINAL. Oo wala akong kaparis. In English, I am unique. In all aspects, iba ang pananaw ko. Need not say much, people will attest na mahirap akong ispelengin. Daig ko pa daw ang ALIEN!
SUCCESS COMES RATHER EASY. That's true. Swerte ba yun o talagang magaling at maabilidad lang ako? Sa trabaho o san man, ako ang namimili. Kaya minsan wala akong pakialam kahit mawalan ako ng work kasi alam kong ang daming naghihintay sa akin na ibang company (yes todo na to!).
SELFISH? Well, siguro yung un part na hindi ako nagtitiwala sa ibang tao easily. Hindi rin ako mahilig magdivulge about personal matters sa kung sino sino lang (sa blog pwede pa).
FRIENDLY? Ewan ko ba, kasi siguro mysterious ang dating ko kaya some people finds it fascinating na kilalanin ako. Eh sino ba naman ako para tumanggi kung pagkain na ang lumalapit sa manok di ba. Mabait naman akong maging friend eh, pero super bwisit naman kapag naging kaaway mo.
EASY GOING ATTITUDE. Prinsipyo ko yan sa buhay, live each day as if it's your last. Huwag masyadong problemahin ang problema, problema lang yan (ano daw?). I mean enjoy life kahit may worries, life itself is a reason to celebrate. Kaya kung may gustong makipag sex sa yo, go lang. Hahaha malay mo mamaya atakihin ka sa puso hindi mo man lang na enjoy ang sex! Hahaha joke lang po.
FLAKY? Actually hindi ko alam ang meaning ng flaky. Alam ko lang eh sky flakes! Hahaha
I am WILD?! CRAZY?!. OMG! How do you know? Nag check in na ba tayo? Hahaha. Pag sa hindi ko kakilala, siempre behave ako, pero within my circle of friends, todo max naman lolo mo.
CRAZY? Maybe that sums up everything little things na ginagawa ko sa buhay ko. It's my life.
TON OF ENERGY. Hindi lang tons, megatons pa! Kangkarot daw magaslaw, pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Hyper, Pure Energy, yes.
I am a HANDFUL. Pwede ring mouthful! O walang malisya yan! Kayo talaga. HIndi naman ako maangas. Kwela lang.
DANGEROUSLY CHARMING! Nax naman, pamatay tong linyang to! So people, beware of me, coz my charm is dangerous! Hahaha. Ilan na ba ang lumuha? ang umasa? ang nagmakaawa? Hahaha Hindi ako manloloko, mambobola at manggagamit, kaya please lang, TUKSO! Layuan mo ako!
I KNOW WHAT I WANT. Oo naman, mukha lang akong hindi mapapagkatiwalan at mababaw, pero deep in my heart marami din naman akong plano sa sarili ko at para sa pamilya, at alam ko kung paano ko maaachieve yun. I just dont take a sitting down, happy go lucky ako pero may side akong seryoso pag dating sa totoong buhay.
I HAVE THE POWER TO RULE THE WORLD. Grabe para naman akong si Puma Ley-R na gagawin ang lahat ng kasamaan para lang makapaghari sa mundo! Hahaha wala po akong planong pumasok sa Pulitika. In my own humble ways, i dont want to rule the world, but maybe just CHANGE the world to make it a better place to live in. Wish ko rin ang WORLD PEACE. Thank you.
TIGHTYLY WOUND? Madali lang pong gumaling ang sugat ko! Hahaha hindi ko alam meaning na to eh. Cencia na.
YOU DONT STICK WITH ANY ONE FOR A VERY LONG TIME. OMG! Na naman, bakit mo alam, naging tayo ba ng two days! But honestly totoo to, ewan ko ba, hindi ako makuntento, palaging naghahanap?! FLIRT! Hahaha. Carinderiang bukas sa lahat ng gustong kumain.
GENEROUS LANG SIGURO, in Tagalog, mapagbigay. Hahaha. But seriously, gusto ko rin naman ng someone na magpapatino sa akin..the LOVE OF MY LIFE..
INTUITIVE AND WISE. It's written all over in this blogsite.
ACTIVE IMAGINATION. Hoolala! Malakas talaga ako pagdating dito. I can see the future, yung hinaharap ba! LOL. Underwear nga eh, na aarouse ako eh, Joke lang po. (Puro yata kabastusan ang nasa isip ko ngayun ah). But seriously, vivid at grand ang aking imagination, marami na akong naisip na telenobela, mga screenplays, mga tv shows format, mga drawings na hiling ko eh balang araw ay magkatotoo.
PRONE TO PARANOIA AT JEALOUSY. Seloso akong tao. Hindi lang halata pero super possesive ako kahit na minsan eh wala naman akong karapatan. Suspicious din, malisyoso. Kaya payo nga sa akin ng iba, tama lang na wala akong commitment at friends na pwede kong pagselosan.