Search


Pusong Gala

Sabi ko dati, kahit marami ang pwedeng pasyalan dito sa Dubai, hindi rin nakaka-inspired ang gumala kung wala ka naman kasama o kung wala kang pera. Mas nakakalulungkot ang walang makakasama kasi ang pera pwede mong utangin o hiramin pero ang makakayag ay hindi katulad ng damit sa sampayan ng pwede mong hablutin kahit anong oras o softdrinks sa ref na pwede mong laklakin kung ikaw eh nauuhaw. Pinakamalungkot, yun mawalan ka ng pareho.

Kahapon, nawalan kami ng internet connection, pati tubig na pampaligo. Ewan kung sinadya kaya nawalan ako ng choice kung hindi ang lumabas ng bahay para magpalipas ng oras kahit na hindi pa nagshoshower. Tamang opening din pala ng Dubai Mall, kaya hayun, kinain ko ang mga sinabi ko ng hindi ako maglilibot nang mag-isa. Nakisabay ako sa pagbubukas ng pinakamalaking mall sa buong mundo. As usual, naglakad na naman ko ng pagkahaba haba para lang mapuntahan ang nasabing mall. Along the way, marami pa akong ibang namasdan. Heto nga pala ang mga pictures kuha ko sa mall, pati na rin yung iba ko pang nakunan habang naglalakad:


Ito ang Central Business District ng Dubai, ang Sheik Zayed Road. ____________________________________________________________________________
Ito naman ang Dubai World Trade Center Building. ____________________________________________________________________________
Ito ang twin buildings ng Emirates Tower, the right tower is currently the 16th tallest in the world. ____________________________________________________________________________
Ito ang pinakamataas na istruktura sa buong mundo, ang Burj Dubai. ____________________________________________________________________________
The entrance to and the Dubai Mall's Grand Atrium. ____________________________________________________________________________

Shopping paradise, over 70 luxury shops and 500 other retailers. ____________________________________________________________________________

The world's biggest indoor gold market with over 200 gold and jewellery retailers. ____________________________________________________________________________
An Olympic size Ice Skating Rink with stadium seats, the first in Dubai. ____________________________________________________________________________
The world's largest aquarium with over 22,000 aquatic species of marine animals. ____________________________________________________________________________




The Dubai Mall views, by night. ____________________________________________________________________________

0 comments: