Search


Awit ng Puso

Natulog ako kanina nang alas singko ng umaga, nagising ako nang bandang alas dose. Ngayun alas kwatro na nang hapon. Time, i've been passing time. Ganun lang yun? Ganun na lang ba yun? Naubos ang isang araw nang wala man lang nangyari. Wala man lang tumawag? O di kaya nagreply na email patungkol sa aking mga trabahong inaplayan. Where is the love? Karma na ba to? Beh buti nga? Pinagdidiskitahan ba ako ng tadhana at lahat ng mga tao at bagay na ginago ko dati? Ito na ba ang kabayaran sa aking di mabilang na kautuan at kawalan ng hustisya sa kapwa? Masyado naman yatang mabigat at halata. Please be good to me. Masakit sa dibdib.

Nakakapagtaka. Nakakalungkot. Kung kailan pa bilang na ang mga araw ko eh saka pa ako dinededma ng mga trabaho. Kailangan kita. Magaling naman ako ah. Dati pinagkakaguluhan ako, ako pa ang namimili kung saan ako magtratrabahong kompanya. Ngayun, ultimo mo tawag, text o email eh wala akong matanggap. Natatakot na ba sila sa akin? Nakakasindak ba ang aking resume? Naka
kaligalig ba ang aking credentials? Naisip ko minsan baguhin na lang ang nilalaman ng aking qualifications para lang may pumansin sa akin. Balat kayo pala. Masyado yata kasing high profile at kung iisipin ang aking madalas na paglipat ng kompanya, may kadudaduda pa? May dapat ba silang ikabahala o ikatakot? Marami.

Masagwa ang pakiramdam ko ngayun, nagmamalaki ngunit gusto kong maluha. Wala man lang akong mapaghingahan ng saloobin, yung taong makakaunawa at kakampi sa akin kahit na kunwari lang. Wala si Michael Jackson para sabihing "you are not alone" o kahit si Steven Bishop na magsabing "i will be here". Malamang sumaya na ako kahit papaano kung makita si Monica para magsabing "for you i will".

Nawawalan na ba ako ng kinang na parang bituing walang ningning? Masyado na ba akong naging notorious at pasaway? Humaba na nga ba ang aking sungay at kailangan nang putulin? Mukhang di na yata ako mabenta. Lost in space na nga ba ako? Ang sama naman nang timing. Lahat sa akin ay umiwas, parang kanta ni Whitney Houston, "all at once". Hindi ko alam kung kaya akong mapaniwalain ni Mariah Carey at sabihing, "i can make it throught he rain, i can stand up once again" o kaya eh ni R. Kelly sabay dribble to the tune of "i believe i can fly, i believe i can touch the sky".

Si Wency Cornejo nagtatanong kung "Hanggang" kailan ko ba kakayaning maniwala kay Gloria Gaynor na "i will survive" o kay Laarni Lozada pag sinabi niyang "manalig ka, malapit na". Meron ba akong sapat na "power of the dream" galing kay Celine Dion para maitodo ko ang pag emote na "my heart will go on" ala Charice Pempengco. Sana nga makaya ko to. Gabi na marahil sa inyo, sana sa inyong pagtulog eh isama niyo ako sa inyong mga panalangin at magdilang anghel, "i pray you'll be our eyes and watch us where we go, and help us to be wise in times when we don't know".

0 comments: