
Masakit malaman ang katotohan, lalo na at hindi ito pabor sa yo. Pagdating sa pag ibig, nakakaloko at nakakabaliw ang mawalan ng inspirasyon. Pero ano ba naman ang saysay ng buhay kung hindi susubukan. Ika nga ng corning kasabihan, try and try lang until you succeed. Ganyan din sa pag-ibig, hindi dapat mawalan ng pag-asa kung minsan nadapa o nabalewala tayo. Malamang di pa panahon at hinahanap pa ni Lord ang taong nakalaan para sa atin.
Kasalanan nga ba ang umibig? Siempre hindi, yan ang silbi natin sa mundo, ang magmahal at mahalin. Mahirap piliin kung sino ang ititibok na ating puso. Mahirap turuan ang puso, mahirap pigilan ang pagtibok nito. Kaya kung kasalanan mang matatawag ang magmahal ng taong hindi ka mahal, magmahal ng isang kaibigan, ng isang taong may asawa na, ng isang taong iba ang katayuan sa buhay, ng isang taong pareho ng iyong kasarian, ng isang taong may kapansanan, ng isang taong walang maipagmamalaki sa buhay, ang kasalanan iyong ay hindi sinasadya dahil puso ang may akda. Pagdating sa pag ibig, mahirap tukuyin kung alin ang tama o mali. Hindi madaling diktahan at hindi madaling intindihin ang gulo at kaligayang dala ng pag-ibig.
Sa pangyayaring hindi naging patas ang pag-ibig, in short na busted ka. Huwag malumbay, huwag mawalan ng pag-asa, hindi ka nag-iisa. Lahat tayo dumadaan diyan. Kasi tayo ay tao. Hindi tayo bato sa dalampasigan na walang pakiramdaman kung tamaan man ng malalakas na alon. Walang magandang bagay sa mundo ang nakukuha nang walang kahirap hirap, maging sa pag-ibig. So kung minsan nasawi, nabigo, napornada, nasaisang tabi, bangon lang friend, baka sa muling pag angat ng ulo mo, nasa harap mo na pala ang hinihintay mo.
This is a re-post.
0 comments:
Post a Comment