
Kaya kagabi, kahit nararapat lamang na kami ay magsaya ay hindi ko na rin nakuhang makisabay sa inuman, sa kantahan, sa kainan pati na rin sa kwentuhan. Pinili kong matulog na lang at huwag na munang maki join kasi alam kong isang tanong lang sa akin ay posibleng mabanggit ko ang tungkol sa aking saloobin at ayokong makasira ng pagdiriwang. Isa pa, hindi ko rin naman silang lahat close friends kaya maintindihan naman nila siguro kung mag isa na lang muna ako sa kwarto at pigilan ang luha kong kanina gusto kong humalik sa aking mga pisngi.
Sa lahat ng oras hanggang sa pag-uwi kanina, hindi ko nakuhang tumawa o mangiti man lang. Sabi nga nila, baka raw nasaniban ako ng masamang ispirito. Ewan ko ngayun lang ako binuliglig ng kaba, pressure, pag-aalala at panghihinayang. Gusto ko ng makakausap pero natatakot akong mapagsabihan, dahil tiyak kong yun lang sukling makukuha ko kung ako ay magbubukas loob. Pero masakit sa dibdib. Mabigat. Higit kailanman, nararamdaman ko ang aking pag-iisa.
Habang tinatype ko ito ngayun, pumapatak ang luha ko na tila ba ulan sa tag araw, medyo nabasa na nga ng konti ang keypad ng aking laptop. Punasan ko na lang. Pero bakit nga ba ako mag mumukmok, mamomroblema at mawawalan ng pag-asa eh hindi naman ako namatayan. Hindi naman hopeless ang problema ko. Kailangan lang ng konting tiis, sipag, patience at tiwala sa sarili.
Kung meron man makakatulong sa akin sa problema kong ito, walang iba yung kung hindi AKO.Kaya tama na nga itong drama.
0 comments:
Post a Comment